in

Julie Anne San Jose, magpapa-indak sa panibagong single

Bagay na bagay ngayong summer ang newest single ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose na pinamagatang “Free”!

Tila mapapasayaw ang mga fans at listeners sa good vibes na dala ng awitin. Ipinamalas din ng Kapuso star ang kaniyang rapping skills dito! Balita namin, exciting at bongga ang official music video nito na malapit na ring i-release.

Hindi talaga maikakaila ang galing ni Julie hindi lang sa pagsayaw at pagkanta, pati na rin sa pag-arte bilang si Heart sa pinakabagong GMA primetime series na ‘Heartful Cafe.’

Samantala, napapanood din as a mainstay performer si Julie sa weekend variety show na ‘All-Out Sundays.’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Jayda Avanzado handa nang magpasiklab sa unang major concert

Klarisse de Guzman, pinaiyak si Sharon Cuneta sa ‘Your Face Sounds Familiar Season 3’