in

Ramon “Bong” Revilla, Jr., taos-puso ang pasasalamat para sa ‘Agimat ng Agila’

Malaki ang pasasalamat ni Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa pagkakataong magbalik-telebisyon at gumanap bilang si Major Gabriel Labrador sa action-packed fantasy drama series na ‘Agimat ng Agila.’

Masaya raw ang aktor sa tiwala na ibinigay sa kanya para muling bumida sa isang serye, “I’m very happy to be back on television, dito sa aking first love. ‘Yung passion ko nandito, aside from public service.”

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Bong sa Kapuso Network para sa oportunidad na muling umarte, “Malaki ang pasasalamat ko sa GMA sa tiwala na ibinigay sa akin. Despite sa challenges na nangyari sa buhay ko, nandyan sila at hindi nila ako pinabayaan.”

Kuwento pa ni Bong ay marami siyang gustong katangian ng karakter niya na si Major Gabriel, “Bilang isang forest ranger, ‘yung pagmamahal niya sa kalikasan, sa pamilya, at ‘yung Filipino core values nandito. ‘Yung pagiging mabuting kaibigan. Mapagmahal ka, matatag ka, matapang ka, pagkalinga sa pamilya.”

Samahan si Major Gabriel sa kanyang exciting adventures sa ‘Agimat ng Agila,’ simula ngayong Sabado (May 1), 7:15pm, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aiai Delas Alas, sepanx sa ‘Owe My Love’ cast

Iñigo Pascual, may bagong collab kasama ang international grammy-nominated artists