in

Aiai Delas Alas, sepanx sa ‘Owe My Love’ cast

Inamin ng comedy queen na si Aiai Delas Alas na miss na miss na niya at nakakaramdam siya ng separation anxiety sa co-actors niya sa Owe My Love. 

“Alam mo, nagkaroon kami ng sepanx, lahat kami, sa sobrang close namin. Parang ang lungkot naming lahat. Sa totoo lang, naluha ako noong umuwi ako. Naiiyak ako kasi naaalala ko sila,” pag-amin ni Aiai sa GMANetwork.com. 

Gumaganap si Aiai sa serye as Vida Morales, ang may ari ng Vida Rolling Store kung saan nagtrabaho si SenSen (Lovi Poe). Napa-amin na si Vida na may feelings pa rin siya kay Doc Coops (Ryan Eigenmann) at may nabubuong love story na rin kina Evs (Kiray Celis) at Gwaps (Buboy Villar). Magkaka-#OMLForever din kaya sila?

Abangan ang mga nakatutuwang eksena na ‘yan sa Owe My Love, weeknights, 9:35 p.m., pagkatapos ng Heartful Cafe sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

#MiKel, makiki-balik pasyal sa ‘Pop Talk!’

Ramon “Bong” Revilla, Jr., taos-puso ang pasasalamat para sa ‘Agimat ng Agila’