in

#MiKel, makiki-balik pasyal sa ‘Pop Talk!’

Maraming fans na nga ang nakaka-miss sa #MiKel simula nang matapos ang The Lost Recipe, kaya naman ngayong Sabado, May 1, ay babalikan nila ang paborito nilang set locations sa paboritong review show ng bayan na Pop Talk na mapapanuod na sa bagong timeslot nito na 9:50 p.m.

Nai-feature ng The Lost Recipe ang iba’t ibang tourist spots sa Metro Manila tulad ng Baluarte de San Diego sa Intramuros, Gota de Leche sa Sampaloc, Philippine Post Office, at iba pa.

Ngayong Sabado rin ay babalikan ni Pop Talk host Tonipet Gaba ang iba’t ibang ‘pop na pop’ na lugar na binisita noon ng programa mula Luzon, Visayas, at Mindanao. Ipapasyal din ni Kapuso actress Katrina Halili ang viewers sa kanyang home province na Palawan. 

Tara na’t mamasyal muli habang nasa bahay kasama ang Pop Talk: Balik-Pasyal ngayong Sabado, May 1, 9:50 PM sa GTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dean Devlin at Christian Kane ng Hollywood, todo puri sa mga Pinoy sa ‘Almost Paradise’

Aiai Delas Alas, sepanx sa ‘Owe My Love’ cast