in

Podcast ni Howie Severino, no. 1 trending podcast sa Spotify Philippines!

Ilang araw lang mula nang na-launch ang “The Howie Severino Podcast” — hosted by GMA News pillar Howie Severino — ay nasa number one trending podcast na agad ito ng Spotify Philippines!

Matatandaang noong nakaraang linggo, nakuha nito ang ang ika-apat na spot sa Spotify Philippines Trending Podcast list. Top spot din ang first original podcast produced ng GMA Public Affairs sa “Society and Culture” genre ng nasabing streaming platform.

Hindi rin nagpahuli sa pakikinig ang Apple users dahil noong nakaraang Biyernes (April 8), isang araw lang mula sa launch ng first episode ni Howie ay nag-No. 2 ito sa most trending local podcast sa Apple.

Tampok sa weekly podcast ang insightful conversations ni Howie kasama ang mga personalidad mula sa iba’t ibang industriya.

Sa unang episode nito ay nakasama niya ang GMA News Pillar and award-winning broadcast journalist na si Jessica Soho. Sa second episode naman ay special guest ni Howie ang spokesperson ng Philippine General Hospital at COVID-19 survivor na si Dr. Jonas del Rosario.

Mapapakinggan nang libre ang “The Howie Severino Podcast” tuwing Huwebes sa iba’t ibang digital streaming platforms.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Centerstage,’ pause muna sa kiddie biritan simula ngayong Linggo

Pia Toscano, todo-bigay sa pagbirit sa ‘Kailangan Kita’ Music Video