in

‘Centerstage,’ pause muna sa kiddie biritan simula ngayong Linggo

Pansamantala munang hindi mapapanood sa telebisyon ang original reality kiddie singing competition ng Kapuso Network na ‘Centerstage’ simula ngayong Linggo (April 18).

Bilang pagsunod sa taping protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, pansamantala munang ititigil ng Kapuso Network ang pag-ere ng Centerstage sa loob ng tatlong linggo.

Wala naman dapat ikalungkot ang viewers dahil sa May ay muling sasabak ang Bida Kids sa mas matinding pasiklaban hanggang grand finale.

Samantala, balikan naman ang nakakabilib na performances ng Clashers sa flashback specials ng singing competition na The Clash mula Season 1 hanggang Season 3 na pansamantala munang mapapanood sa timeslot ng Centerstage.

Stay safe, mga Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pagpupursige ng Coffee Farmers sa panahon ng pandemiya, ipapamalas sa ‘Iba Yan’

Podcast ni Howie Severino, no. 1 trending podcast sa Spotify Philippines!