Samahan si Angel Locsin ngayong Linggo (Abril 18), para kumustahin ang masisipag na coffee farmers mula sa Batangas at alamin kung paano dumidiskarte ang mga ito sa buhay matapos maapektuhan ng pandemiya, sa “Iba Yan,” na mapapanood sa A2Z Channel, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWant TFC, at TFC.
Isa sa makikilala ng viewers si Manolito Ramos-Vida na halos 35 taon nang nagsasaka. Dahil sa kanyang sipag at tiyaga, napagpatapos niya ang anak sa UP Los Banos. Ngayon katuwang na niya ito sa pagpapalaki ng kanilang sakahan.
Bukod naman sa pagsasaka ng coffee beans, mais, saging, kang kong, mustasa, at pechay, nagbebenta rin si Gina Rolle ng halo-halo, shake, at ihaw ihaw tuwing summer para ipandagdag sa kanilang kinikita. Makikita kung paano ang pagiging madiskarte ang kanyang naging puhunan para maitaguyod ang apat na anak.
Alamin din ang kwento ni Michael John Manalo na pinili mag-resign sa trabaho para pagtuunang pansin ang minanang lupain. Hindi lang sa kanilang lupain siya umaasa, dahil nakapagtaguyod din siya ng bakery at sari-sari store na kanyang inaasahan ngayon habang nag-aantay ng ani.
Sundan ang “Iba Yan!” sa facebook.com/IbaYanPH, twitter.com/ibayanph, at instagram.com/ibayanph. Maaari rin mag-join sa Facebook Community Group ng “Iba ‘Yan”: facebook.com/groups/ibaYanPH/.