in ,

Angeline Quinto at Jona Viray, inawit ang theme song ng ‘Huwag Kang Mangamba,’ ‘Init Sa Magdamag’

Bibigyang-buhay muli ng Kapamilya divas na sina Angeline Quinto at Jona ang classic OPM songs na “Huwag Kang Mangamba” at “Init sa Magdamag” na napiling theme song ng dalawa sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN.

Muli na namang pinatunayan ni Angeline na siya ang “Queen of Teleserye Theme Songs” ng bansa sa pag-awit niya ng religious song na “Huwag Kang Mangamba,” na orihinal na komposisyon ni Fr. Manoling Francisco S.J. at ipinrodyus ngayon ni ABS-CBN creative director Jonathan Manalo.

Bukod sa pag-awit ng theme song ng produksyon ng Dreamscape Entertainment na pinagbibidahan ng “The Gold Squad” na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Echarri, bibida rin si Angeline sa bagong serye na eere na sa primetime simula ngayong linggo at magpapakita ng pagmamahal ng Diyos sa kwento ng ulilang bulag na si Mira (Andrea) at rebeldeng anak na si Joy (Francine) na makakaranas ng himala ni “Bro” matapos makaligtas sa aksidente.

Samantala, puno naman ng emosyon ang rendisyon ni Jona ng “Init sa Magdamag,” na isinulat ni Willy Cruz at pinasikat ni Sharon Cuneta, na mas magpapainit sa romance drama series na may parehong pamagat mula sa Star Creatives.

Pagbibidahan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM De Guzman ang inaabangang ABS-CBN serye na iikot ang istorya sa pulitika at pag-ibig na nakatakda na ring ipalabas ngayong tag-init.

Sa nakalipas na mga taon, madalas mapili sina Angeline at Jona para umawit ng mga opisyal na theme song ng iba’t ibang ABS-CBN teleserye.

Si Jona ang nasa likod ng OST ng “Ngayon at Kailanman” at “Pusong Ligaw” at siya rin ang kumanta ng “Dahil Mahal Na Mahal Kita” para sa seryeng “Asintado.”

Ilan naman sa mga ‘di malilimutang rendisyon ni Angeline ay ang OST ng “You’re My Home,” “Sana Bukas Pa Ang Kahapon,” at ang kantang “Hanggang Kailan Kita Mamahalin” para sa patok na teleseryeng “The Legal Wife.”

Pakinggan ang “Huwag Kang Mangamba” ni Angeline at “Init sa Magdamag” ni Jona sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kantang ‘Marupok’ ni Danielle Balagtas, nagwagi sa Himig 11th Edition

Aicelle Santos, miss na miss ang kanyang lola sa probinsya