in

Followers ng ‘The Lost Recipe’ sa Facebook, umabot na ng 100K!

Hindi lang on-air, pang online pa! Ito ang puwersang “sakalam” ng top-rating GTV series na The Lost Recipe (TLR).

Bukod kasi sa patuloy na pagsubaybay ng viewers sa kuwento nina Harvey at Apple, damang-dama rin ang suporta ng netizens sa serye nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda.

Kamakailan ay umabot na sa 100,000 followers ang offcial Facebook page nito at patuloy pang nadadagdagan sa huli naming silip.

Laking pasasalamat naman ng mga bumubuo ng programa sa netizens na patuloy na sumusuporta sa TLR hindi lamang sa pamamagitan ng pagtutok gabi-gabi sa serye kundi pati na rin sa pagtangkilik ng kanilang social media platform.

Sa Facebook page ng The Lost Recipe ay makakakuha ang fans ng iba’t ibang exclusive content tungkol kina Kelvin, Mikee, at iba pang cast ng programa. Makikita rin dito ang memes, exclusive kilig moments, pati na rin funny photos at TikTok videos ng tambalang #MiKel.

Kaya sa mga hindi pa naka-subscribe, i-like at follow na ang Facebook page ng The Lost Recipe (@TheLostRecipeGTV) para makakuha ng updates. Sama-sama nating tutukan ang The Lost Recipe, weeknights pagkatapos ng 24 Oras simulcast sa GTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Willie Revillame, taos-pusong nagpasalamat para sa 22 million supporters ng Wowowin online

Ella Cayabyab, na-evict na sa ‘PBB Connect’