in

Willie Revillame, taos-pusong nagpasalamat para sa 22 million supporters ng Wowowin online

May mensahe ng pasasalamat ang Wowowin host na si Willie Revillame kamakailan sa mga patuloy na tumatangkilik sa kaniyang programa. Umabot na kasi ng higit 22 milyon ang supporters ng kanilang online community sa Twitter, YouTube, at Facebook.

“We have 14 million followers na po sa Facebook. Mga mahal naming kababayan, mga Kapuso, thank you so much! And also ‘yung atin pong community, eto po ‘yung pinagsama ‘yung Twitter, YouTube, at Facebook, 22 milion strong community. Marami pong salamat sa inyong lahat!”,ani Kuya Will.

Dahil daw dito, lalo siyang ginaganahan na maghatid ng good vibes at kaaliwan sa mga tao, “Maraming salamat ha. Nakakatuwa. Lalo kaming nai-inspire, lalo kaming ginaganahan ‘pag marami pong nagmamahal sa programang ito. Tandaan n’yo, ang ‘Wowowin’ ay para po sa inyo kaya’t tumutok na kayo. Tuloy-tuloy tayo!”

Congratulations, Wowowin!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Grand reveal ng ‘Centerstage’ virtual set, pinusuan ng viewers

Followers ng ‘The Lost Recipe’ sa Facebook, umabot na ng 100K!