in

K-Pop group na T1419, mas makikilala pa sa docu na ‘Bloom Your Hopes’ sa iWantTFC

Lalong makilala ng fans ang mga miyembro ng bagong K-pop boy group na T1419 dahil mapapanood na nang libre ang documentary nilang “Bloom Your Hopes” sa iWantTFC.

Si Nancy ng MOMOLAND ang nagsilbing narrator ng naturang docu na naglalaman ng one-on-one interviews, recording at dance practice sessions, at ang taping ng music video para sa pre-debut single nilang “Dracula.”

Sa docu, ibinahagi rin ng mga miyembrong sina Noa, Sian, Kevin, Gunwoo, On, Zero, Kairi, Leo, at Kio ang mga kanya-kanya nilang interes at personalidad, mga preparasyon bago inilunsad bilang grupo, at mga pagsubok na pinagdaanan nila.

Ang T1419 ay ang brother group ng MOMOLAND na mula rin sa South Korean agency na MLD Entertainment. Una nang gumawa ng ingay ang T1419 dahil sa kanilang pasabog na debut single na “ASURABALBATA” noong Enero.

Para makakuha ng updates, sundan lang ang grupo sa @T1419_official sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa T1419 YouTube channel at sa YouTube channel ng MLD Entertainment.

Libreng mapapanood sa buong mundo ang ”Bloom Your Hopes” sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iwanttfc.com. Maaari din itong panoorin ng iWantTFC users sa mas malaking screen dahil available na rin ito sa mga piling smart TV brands, ROKU streaming devices at Telstra TV para sa users na nasa labas ng Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC, o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Controversial movie na ‘Tililing,’ lalabas na sa sinehan at Vivamax ngayon Marso 5

Sampalang Heaven Peralejo at Barbie Imperial, mangyayari na sa ‘Bagong Umaga’