in

‘Tala: The Film Concert’ ni Sarah G, ekslusibong mapapanood sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV sa Marso 27

Isang espesyal na online concert ang handog ni Sarah Geronimo sa kanyang fans sa buong mundo dahil mapapanood na ang “Tala: The Film Concert” sa digital platforms na KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV sa Marso 27 ng 8 PM.

Sunod-sunod na pasabog ang inihanda ng nag-iisang Popstar Royalty para sa worldwide premiere ng kanyang concert dahil may makakasama siyang surprise guest sa dalawang numbers. Magtatagal din ng dalawang oras ang event kung saan 18 na awitin ang ipe-perform niya, kabilang na ang mga bago at kakaibang bersyon niya ng hits na “Kilometro,” “Ikot-ikot,” at “Isa Pang Araw.”

Simula ngayong araw (Pebrero 19) naman, mabibili na ng fans sa KTX.PH ang regular tickets sa halagang P1,500. Available din ang VVIP tickets sa halagang P3,000, na may kalakip na kwentuhan session kasama si Sarah sa pamamagitan ng Zoom.

Mabibili naman ng iWantTFC users sa Pilipinas ang regular tickets (P1,500) sa iwanttfc.com at Android app. Para naman sa fans sa labas ng Pilipinas, available na rin ang tickets na nagkakahalagang USD25 sa iWantTFC at TFC IPTV.

Ang “Tala: The Film Concert” ay ipinrodus ng Viva Entertainment. Ginanap ang taping nito sa Araneta Coliseum noong Disyembre at idinirek ito ni Paul Basinillo, kasama sina Louie Ocampo bilang musical director at Georcelle Dapat-Sy bilang creative director.

Salubungin ang pagbabalik-entablado ni Sarah G sa “Tala: The Film Concert” na mapapanood sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV ngayong Marso 27 (Sabado) ng 8 PM (Manila time).

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Iba Yan’ dadamayan ang mga Pilipinong may depresyon sa isang webinar

Hindi pa man officially nalolaunch, GTV #2 highest-rated TV station na agad!