Patuloy na umiinit ang paghihintay ng fans ng hit all-girl group na MNL48 dahil ipapakilala na ngayong Sabado ang Third Generation Senbatsu o ang Top 16 at Center Girl nito sa “It’s Showtime.”
Ang live event ngayong Sabado ang huli sa tatlong special events kung saan ipinakilala ang mga bagong miyembro ng MNL48, na pinili ng mga fans sa Third General Election.
Una nang inanunsyo ng rookie group ang bagong performers nito na rank 17 hanggang 48 noong Pebrero 13 sa “It’s Showtime Online Universe.”
Ang mga miyembro nitong rank 37 hanggang 48 ang magiging Kenkyuusei o select trainees, habang ang rank 33 hanggang 36 naman ang siyang magiging official members at reserves ng Undergirls. Samantala, ang mga umabot sa ika-17 hanggang ika-32 ang siyang hihiranging Third Generation Undergirls at siya ring magiging tampok sa ika-pitong Single Coupling Song ng grupo.
Kabilang sa anunsyong ito ang pagpapakilala kay Cole Somera, na rank 17, bilang Coupling Song Center.
Sino ang tatanghaling Senbatsu or Top 16 at Center Girl? Huwag palampasin ang pasabog na hatid ng MNL48 ngayong Sabado (Pebrero 20) nang live sa “It’s Showtime” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC.
Ang MNL48 ay isa sa pinakasikat na P-Pop groups sa bansa. Inilabas nito kamakailan ang kanilang sixth single na “River” na humakot ng higit sa 1.2 million views sa YouTube. Ang pinakabago nitong R&B at hip-hop sub-unit trio na Baby Blue (pinangungunahan nina MNL48 Jan, Amy, at Coleen) ay naglabas na ng ikalawang single na pinamagatang “Negastar,” kasunod ng “Sweet Talking Sugar” na pumasok sa charts sa Japan.
Makisali na sa usapan online gamit ang hashtag na #MNL48ThirdGeneralElection. Para sa karagdagang updates at exclusive content, sundan ang MNL48 sa Facebook (fb.com/mnl48official), Twitter, Instagram, Kumu, at TikTok (@mnl48official), at mag-subscribe na rin sa official YouTube channel ng grupo.