in

‘Owe My Love,’ bagong kaaadikang teleserye sa GMA Telebabad

Marami ang nagandahan sa pilot episode ng GMA Public Affairs romantic-comedy series na Owe My Love na pinalabas nitong Lunes, Pebrero 15.

Bida rito sina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Bukod sa saya at kilig, may mga matindi rin itong eksena na papatok sa mga manonood. Isa sa mga tumatak sa first episode nito ay ang madamdaming eksena nina Doc Migs (Benjamin) at kanyang Lolo Badong (Leo Martinez). Si Lolo Badong ay may sakit na dementia at hindi na niya nakikilala ang apong si Migs. May kurot sa damdamin noong hinahanap ni Lolo Badong si Migs kahit na nasa harap lamang niya ito. 

“Maganda ang role ko dito dahil it touches on senior citizens. Pinapakita rito (OML) ang mga problema at concerns ng senior citizens – na kailangan pagtuunan natin ng pansin ang mga senior dito sa ating bayan. Mayroon po silang mga pangangailangan at concerns,” naunang pahayag ni Leo sa virtual media conference ng Owe My Love.

May bago na namang aabangan ang viewers gabi-gabi. Mapapanood ang Owe My Love mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m, sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Double eviction naganap sa ‘PBB Connect’ noong Valentine’s Day

Jamie Rivera, inawit ang Mission Song para sa pagdiriwang ng ‘500 Years of Christianity’ sa bansa