in

Double eviction naganap sa ‘PBB Connect’ noong Valentine’s Day

Double eviction ang naganap sa “PBB Connect” noong Araw ng mga Puso (Pebrero 14) at lumabas sa Bahay ni Kuya sina Gail Banawis ng New York at Alyssa Exala ng Australia.

Tulad sa mga nakalipas na eviction, bumaha ang luha sa loob ng bahay ni Kuya dahil sa pagpaalam ng dalawang housemates na napalapit na rin sa kanila. Nakakuha si Gail ng 7.42% ng pinagsamang Kumu at text votes, habang -1.26% lamang ang natanggap ni Alyssa. Muli namang nakaligtas si Ella Cayabyab na may 23.22%.

Kahit tumaas ang emosyon sa bahay ni Kuya kagabi, naging matatag ang ‘Sing-ternational Survivor ng New York’ at ang ‘Alluring Accountant ng Australia’ sa kanilang pagbabalik sa outside world.

Ani Gail, lahat ng housemates ay may ‘special place’ sa kanyang puso, pero si Ralph ang ‘kumakatok sa puso niya ngayon.’

Para naman kay Alyssa, si Kuya ang pinaka-mamimiss niya at tinawag ang kanyang karanasan sa “PBB” bilang ‘best two months’ ng kanyang buhay.

Samantala, damang-dama naman ni Kuya ang pagmamahal ng Kumunity dahil nakalikom ang “PBB Connect” ng 105 milyong diamonds para sa “Online Bahay Ni Kuya,” kung saan ang top two aspiring houseguests ay makakatira sa “PBB.”

Nakilala na ang Online Big 4 na sina Christian Bahaya ng Davao del Sur, Welwel Silvestre ng Mandaluyong City, Russco Jarviña ng Makati City, at Kriztien Allan Muldong ng Malaysia na sasabak sa huling hamon ni Kuya.

Mula Lunes (Pebrero 15) hanggang Huwebes (Pebrero 18), ang top four aspiring houseguests ay muling sasabak sa livestreaming mula 5 pm hanggang 9 pm, kaya back to zero ang magiging botohan para sa kanila. Pagkatapos ng kampanya, ang top two aspiring houseguests sa leaderboard ang kikilalaning official houseguests ni Kuya na magiging bahagi ng isang special task kasama ng mga housemate.

Kakayanin pa kaya ng mga natitirang housemate ang mga task ni Kuya kahit nasasaktan ang kanilang mga puso? Sino kaya ang tatanghalin na official houseguests?

Tutukan iyan at iba pang mga pangyayari sa “PBB Connect,” 10 pm tuwing Lunes hanggang Sabado sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel. Samahan din sina Bianca at Robi sa “PBB KUMUnect Tayo” ng 10 pm (Lunes hanggang Sabado) at 8:30 pm (Linggo) at sina Melai at Enchong sa “PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show” ng 5 pm sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn). Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa “PBB” official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

OMG! World premiere ng ‘Owe My Love,’ winner!

‘Owe My Love,’ bagong kaaadikang teleserye sa GMA Telebabad