in

‘Magkaagaw’ stars, proud sa mga inihandang pasabog ng serye

Muling tinutukan ng mga manonood ang pagbabalik sa telebisyon ng GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw nitong Lunes, January 18.

Ayon sa cast ng serye, hindi sila nakaramdam ng pressure sa pagbabalik nito lalo na’t maganda ang materyal na nakuha nila mula sa lock-in taping noong Disyembre.

Kuwento ni Sunshine Dizon, “Feeling ko naman, matindi ang pagbabalik namin kaya aabangan talaga nila.”

Agree naman si Sheryl Cruz dito. Aniya, “We put it in God’s hands. Kasi we already did our part as an actor in ‘Magkaagaw’ and it’s time na ipakita naman sa amin ng mga taga-suporta namin ang kanilang pagmamahal at suporta para sa show.”

Para kay Jeric Gonzales, proudest moment niya ang pagiging parte ng show.  “Hindi siya pressure kasi ito ang proudest moment ko dahil natapos ko siya. Sa sobrang hirap, dito ako nag-grow as an actor and proud ako na natapos ko ito. Masasabi ko na maganda talaga siya.”  

Abangan ang maiinit na eksena sa recap ng Magkaagaw mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga, sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lexi Gonzales, enjoy sa taping ng ‘My Fantastic Pag-ibig’

Thea Tolentino, sasabak na rin sa negosyo ngayong 2021?