in

Thea Tolentino, sasabak na rin sa negosyo ngayong 2021?

Tamang-tama ang role ni Thea Tolentino bilang Chef Ginger sa GMA Public Affairs fantasy-romance series na The Lost Recipe dahil plano pala niyang mag-venture into food business this year! Ito ang isa sa mga ibinahagi ni Thea sa ginanap na media conference ng series. 

“Mayroong nakapag-inspire sa akin na mag-venture to business, food business po siya. Magandang opportunity ‘yung ibinigay niya sa akin kasi sinasabi niya ituturo niya sa akin talaga bago niya ipa-handle sa akin ang isang franchise ng business,” pahayag ng aktress.

“Hindi pa one hundred percent sure pero dahil po sa kanya na-inspire ako na talagang pag-isipin na rin ‘yung business,” dagdag pa ni Thea.

Samantala, inaabangan na ng kanyang fans si Thea bilang Chef Ginger Romano sa The Lost Recipe na napapanood na gabi-gabi, 8 p.m., sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Magkaagaw’ stars, proud sa mga inihandang pasabog ng serye

Jane de Leon at Geoff Eigenmann, magkasamang tutugisin si Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’