Nakabilang sa “The 100 Best Songs of 2020 Playlist” ng Apple Music ang “Always,” isang recent kolaborasyon nina Inigo Pascual at Moophs.
Tema ngayong taon ng nasabing pagkilala ang musikang may iba’t ibang istilo at perspektibo na naglalapit sa mga tao. Bukod sa “Always,” tampok sa playlist sina Dua Lipa, Ariana Grande, Justin Bieber, at iba pang malalaking pop acts ng taon.
“Dancehall meets Afrobeat put lovers’ heartbeat in sync,” ani ng Apple Music editors sa kantang “Always,” isang pop track na naglalayong makuha ang inaasahang commitment mula sa minamahal sa kabila ng pag-aalinlangan na tema na central sa upcoming 2021 full-length album ni Inigo na “Options.”
“Naniniwala ako na mahalaga ngayon ang paghahatid ng good vibes thru music. Ito ang perfect way para maghatid ng ngiti sa mga tao sa kabila ng mga nangyayari sa mundo,” kwento ni Inigo tungkol sa awitin.
Samantala, nagpahayag naman si Moophs ng excitement sa pagkilala ng isa sa mga nangungunang streaming platform. Aniya, honored siya na makasama sa Top 100 roundup ng Apple Music ngayong 2020 kasama ng iba’t ibang amazing artists.
Si Moophs ang nagproduce, nagcompose, at nagmix ng “Always,” na isinulat ng composer ng “Black Swan” song ng BTS na si Vince Nantes, OPM pop artist na si Sam Concepcion, at ni Inigo.
Sinundan ng proyekto ang “RISE,” isa sa mga bonggang international releases mula sa bansa na pinagsama-sama ang artists mula sa US (Eric Bellinger, Vince), Malaysia (Zee Avi), at Pilipinas (Inigo, Sam, Moophs).
Tagumpay rin ang inirelease nina Inigo at Moophs na latest remix ng “Catching Feelings,” na may halos 10M Spotify plays at mahigit 100K na social dance challenge videos. Tampok dito ang Grammy-nominated producer na si Leslie “Bimwala” Ludiazo at isa sa biggest reggae acts ng Hawaii na si J Boog.
Pinangunahan ng MYX Global ang worldwide premiere ng “Catching Feelings” (Bimwala Remix), na bumida sa apat na araw na marathon tampok ang 50 DJs na nagpapatugtog nito sa virtual sets sa Twitch, kumu, at radio stations sa iba’t ibang bahagi ng mundo mula Manila hanggang Los Angeles, Toronto, at London. Hawak din ng kanta ang no.2 spot sa iHeartRadio’s Island 98.2, ang top reggae radio station sa Hawaii.
Para sa updates sa musika nina Inigo Pascual at Moophs, sundan ang Tarsier Records sa various social media accounts nito @tarsierrecords.