in

Kapuso stars, wagi sa 33rd Aliw Awards!

Kinilala ang husay at talento ng ilang Kapuso stars sa ginanap na 33rd Aliw Awards nitong December 15 sa Fiesta Pavilion sa Manila Hotel.

Ginawaran ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose ng Entertainer of the Year and Best Rhythm and Blues Artist awards, habang ang The Clash Season 1 Grand Champion naman na si Golden Cañedo ay hinirang na Best New Female Artist.

Binigyang parangal din ang ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ director na si Laurice Guillen bilang Lifetime Achievement Awardee. Kasama rin ni direk Laurice ang kaniyang anak na si Ana Feleo na tumanggap naman ng Best Classical Performer award.

Samantala, ang direktor ng ‘Sarap, ‘Di Ba?,’ ‘Centerstage,’ at ‘The Clash’ na si Louie Ignacio ay napabilang na sa Aliw Hall of Fame for Best Concert Stage Director at si Donita Nose naman ang tumanggap ng Best Stand-Up Comedian. Congratulations, mga Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Love of My Life,’ magbabalik-telebisyon na sa December 28

KathNiel, MayWard, LizQuen at iba pang Kapamilya stars, may pasabog sa Fundraising Pre-Show ng ABS-CBN Christmas Special