in

Myrtle Sarrosa, miss nang mag-perform sa harap ng fans

Bukas ise-celebrate ng Kapuso artist na si Myrtle Sarrosa ang kaniyang 8th anniversary sa showbiz industry sa solo virtual concert na ‘MYRTLE: Still Love Me.’

Aminado si Myrtle na nakaranas siya ng challenges sa pagbubuo ng nasabing concert dahil sa mga limitasyong dala ng hinaharap nating COVID-19 pandemic.

Aniya, “Most of the time, hinuhugot ko ‘yung energy ko from the audience but this time around, walang audience to cheer me on because of the pandemic, bawal nga. At the same time, ‘yung limitations din naman sa crew, kailangan lahat kami nakapag-swab test at healthy. Kailangan laging may mask, social distancing.”

Dagdag pa ni Myrtle, nakaka-miss daw na makita sa harapan ang fans pero ramdam naman daw niya ang kanilang walang sawang suporta online.

Gaganapin na bukas, Nobyembre 28, 8pm ang ‘MYRTLE: Still Love Me’ via Ticket2Me.net.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ashley Ortega, may bagong online business

Ang daming bago! ‘Init Sa Magdamag,’ bagong ‘MMK’ episodes, at Gold Squad Show, mapapanood sa ABS-CBN Platforms at A2Z Channel