in

Kapuso cutie Gab Yabut, gustong mag-produce ng sariling rap single

Bukod sa pagiging isang mahusay na actor, pangarap din ng bagong Kapuso cutie na si Gab Yabut ang sumulat at mag-produce ng kanyang sariling rap single. 

Sa kanyang YouTube channel pa lang kung saan mapapakinggan ang beats na siya mismo ang gumawa, mapapansin na ang kakaibang talento ni Gab sa music. 

Kuwento niya sa GMA Artist Center online show na In The Limelight, “Ever since ‘nung grade seven po ako, na-influence ako ng mga classmate ko sa rap. After that, gusto ko na talagang gumawa ng isang rap song. And sa first rap song ko na ipu-publish, gusto ko ako ‘yung gumawa ng beat para may sentimental value siya.”

Kung aktingan naman ang pag-uusapan, gusto ni Gab na gumawa ng isang action project a la “007” at makatrabaho ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Mapapanood ang kabuuan ng In The Limelight episode ni Gab sa GMA Artist Center YouTube channel. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Super Tekla, may isisiwalat ngayong Linggo sa ‘The Boobay and Tekla Show’

Willie Revillame, tutuparin ang Christmas wish ng ‘Wowowin’ viewers