in

Chito Miranda, tampok na Music Coach sa Leg 3 ng ‘MYX Musiclass’

Matutuwa ang mga matagal nang sumusubaybay sa pagbabanda sa bansa dahil pangungunahan ni Chito Miranda ng bandang Parokya Ni Edgar ang magaganap na “MYX Musiclass” ngayong Nobyembre 28 (Sabado).

Matapos magbahagi ng mga kaalaman nila sina Raymund Marasigan sa Music Production 101 at ang magkapatid na sina Paolo and Miguel Guico ng Ben&Ben sa Songwriting 101, ibibida naman ni Chito ang mga personal niyang karanasan sa pagsusulat ng kanta, pag-awit, at pagpe-perform nang live sa ikatlong leg ng “MYX Musiclass.”

Kilala si Chito bilang lead singer ng Parokya Ni Edgar at aktibo sa pagbabanda simula pa noong late ’90s. Marami na silang nai-release na iconic hits mula sa mga matagumpay nilang albums.

Siguradong nag-aabang ang mga makabuluhang aral at puno ng inspirasyong mga kwento para sa 500 na maswerteng participants sa eksklusibo at libreng Zoom webinar, kaya pwede nang mag-register dito ang mga interesado.

Huwag palampasin ang pagkakataong matuto mula mismo kay Chito sa ikatlong leg ng “MYX Musiclass” ngayong Nobyembre 28 (Sabado), 4pm! Mag-register na para makakuha ng slot. Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Philippines sa Facebook (www.facebook.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), at Instagram (@myxph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Marian Rivera, na-touch sa birthday wish ni Zia

A2Z Channel 11, masasagap na sa Digital TV Box