in

Pagbabalik ng ‘DOTS Ph,’ tinutukan!

Tinutukan at inabangan ng Kapuso viewers ang pagbabalik ng “Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation” sa GMA Telebabad.

Certified trending nationwide ang mga eksena nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang sina Big Boss at Beauty. Muli ring nagpakilig ang tandem nina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith bilang sina Sgt. Diego at Capt. Moira.

Sey ng netizens, looking forward na sila sa mga susunod pang kaganapan sa serye, lalo na sa upcoming fresh episodes ng DOTS Ph.

Napapanood ang “Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation” mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Encantadia” sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia, may bagong show sa GMA News TV

‘Super Twins,’ muling mapapanood sa Heart of Asia