in

Gabbi Garcia, may bagong show sa GMA News TV

Tiyak na maraming millennials at Gen Z ang makaka-relate sa bagong show ni Global Endorser Gabbi Garcia na “In Real Life (IRL)” na mapapanuod very soon sa GMA News TV. 

Isang youth-oriented reality program ang IRL kung saan ihahatid ni Gabbi ang latest updates sa iba’t ibang trending topics na ika nga ay  “lit” o “exciting” para sa mga kabataan lalo na ngayong digital age. 

Bagay na bagay kay Gabbi ang IRL dahil bukod sa husay niya sa hosting, isa siya sa mga artista ngayon na malakas ang online presence. Kaya naman siguradong nakaabang na ang fans ni Gabbi sa “In Real Life (IRL)” na malapit nang mapanood sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pagsisimula ng ‘Bagong Umaga’ ng ABS-CBN agad na kinapitan ng manonood

Pagbabalik ng ‘DOTS Ph,’ tinutukan!