in

‘Diyan Ba Sa Langit’ nina Morissette Amon, Jason Dy, at Kikx, may midnite remix

May bagong bersyon ang bonggang duet nina Morissette at Jason Dy na “Diyan Ba Sa Langit” kasama ang songwriter nito na si Kiko “KIKX” Salazar, na mapapakinggan na ngayong Biyernes (Oktubre 30).

Ayon kay KIKX, naisulat niya ang awitin matapos panoorin ang digitally remastered version ng pelikulang “Hihintayin Kita Sa Langit.” Nagtatanong ito tungkol sa pag-ibig na naputol ng kamatayan at nag-iiwan ng mensahe ng pagmamahal para sa mga yumaong mahal sa buhay.

Isa ring tribute ang kanta sa paboritong artist ni KIKX at powerhouse vocalist na si Mariah Carey, kaya naman puno ito ng matataas na nota. Dahil dito, swak na swak daw ang “power combo” nina Morissette at Jason para sa “Diyan Ba Sa Langit.”

“Si Jason kaibigan ko na SoundCloud days pa namin saka personally, tingin ko isa siya sa may pinakamagagandang boses ng henerasyon ngayon,” paliwanag ng songwriter-composer.

“Kami naman ni Morissette malayo na ang narating simula nung success ng ‘Akin Ka Na Lang,’” ani KIKX. “Malaking parte siya ng career ko kaya meron kaming lasting friendship.”

Ang “Diyan Ba Sa Langit” midnite remix ang huling single sa “After Dark ‘The Final Hour’” EP ni KIKX bilang selebrasyon ng ika-10 taon niya sa music industry. Kasama rin dito ang “Hindi Na Nga” ni Sam Mangubat, “Sa Aking Mundo” ni Lance Busa, at ang kolaborasyon niya kasama si Kyla na “TLC.” Ini-release ang original version nito noong Nobyembre 2019.

Pakinggan ang midnite remix ng “Diyan Ba Sa Langit” nina Morissette at Jason kasama si KIKX sa iba’t ibang digital music streaming platforms simula sa Biyernes (Oktubre 30)! Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph), at sundan ito sa Twitter at Instagram (StarMusicPH).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Coco Martin at Yassi Pressman, nalaglag na sa bitag ni Richard Gutierrez sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

‘U-Turn’ ni Kim Chiu, unang mapapanood sa KTX.PH sa Okt 29