in

Rocco Nacino at Melissa Gohing, enjoy sa pag-aalaga ng halaman  

Hindi lang sa fitness activities nagkakasundo sina Rocco Nacino at Melissa Gohing, malaki rin daw ang naitulong ng kanilang bagong hobby na paghahalaman sa pagtibay ng kanilang samahan.  

Kamakailan nga ay pumunta pa sila sa Plant Bazaar and Exhibit sa Barangay Alabang sa Muntilupa City para mag-ikot-ikot at bumili ng bagong plant babies.

Sey ng ‘Descendants of the Sun’ actor na si Rocco, “Parehas kami nag-enjoy lalo na si Melissa. ‘Yan ang certified plantita talaga. Pero natuwa ako kasi habang umiikot, lahat ng tao ine-explain nila ‘yung scientific names ng plants.”

Dahil nakalipat na rin si Rocco sa kanyang bagong bahay, ano na nga ba ang next step sa kanilang relationship?

Aniya, “Mag-ipon ulit. Tapos we’ll see how it goes. Pero ang maganda ngayon may bago kaming bonding, pag-aalaga ng plants. Malaki ‘yung maitutulong n’yan sa relationship namin.”

Samantala, excited na rin si Rocco dahil mapapanood na muli sa telebisyon ang DOTSPh simula ngayong Lunes (October 26) sa GMA Telebabad. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kissing scene nina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos, ginulat ang viewers!

Khalil Ramos, sumabak na sa ‘Eat Bulaga’