in

Khalil Ramos, sumabak na sa ‘Eat Bulaga’

Pinabilib ng bagong Kapuso actor na si Khalil Ramos ang Dabarkads pati na rin si Bossing Vic Sotto sa pagkanta niya sa Eat Bulaga stage kahapon, October 20.

Bago kasi siya sumalang bilang celebrity judge sa hit segment na Bawal Judgmental ay kinanta muna niya ang hit song ng OPM band na Rivermaya na “Liwanag sa Dilim.”

Naikuwento rin ni Khalil dito ang labis na pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso Network. “Ito po sobrang init po ng pagtanggap ng GMA Network sa akin at sobrang saya ko na nandito ako for the very first time sa Eat Bulaga,” aniya.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Rocco Nacino at Melissa Gohing, enjoy sa pag-aalaga ng halaman  

Kapamilya Channel, nasa Cignal Channel 22 na