in

Jeremiah Tiangco, sa bahay nag-record ng kanyang debut single

Sa kanyang sariling bahay pala ini-record ng The Clash season 2 grand champion na si Jeremiah Tiangco ang kanyang debut single sa ilalim ng GMA Music na ‘Titulo.’

“Bukod sa nadi-discover ko pa po mag-produce, mas lumawak po ‘yung knowledge ko about music, about recording. Sobrang siniksik ‘yung music,” aniya.

Nagpapasalamat din si Jeremiah sa GMA Music’s A&R Manager na si Kedy Sanchez sa paggabay sa kanya sa pag-record ng kanta. 

“‘Yung boses ko raw po is andiyan na, ako na lang po bahala kung ano ‘yung gagawin ko sa kanta. Nakakatuwa po, though it’s pop, nabigyan ko po s’ya ng touch of soul,” kuwento pa ng All-Out Sundays mainstay.

Ngayon na mayroon na siyang debut single, nais naman daw ni Jeremiah na tuparin ang kanyang pangarap na sumulat ng sariling kanta. Mapapakinggan ang “Titulo” sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aiko Melendez, grateful sa safe na lock-in taping ng ‘Prima Donnas’

Julie Anne San Jose, napahanga ang isang Canadian music producer