in

Raymund Marasigan, magtuturo ng Music Production sa second leg ng ‘Myx Musiclass’

Siguradong matutuwa ang mga nais matuto ng music production dahil tampok ang rock icon na si Raymund Marasigan para manguna sa ikalawang leg ng “MYX Musiclass” na magaganap sa Oktubre 24 (Sabado).

Mas marami ang mabibigyan ng pagkakataon na matuto ng Music Production 101 dahil 500 na ang binuksang slots para sa leg na ito kumpara sa 100 noong unang leg dahil sa tagumpay ng Songwriting 101 kasama ang magkapatid na sina Paolo at Miguel Guico ng Ben&Ben.

Mas matututo pa ang 500 participants tungkol sa music-making at record production mula sa frontman ng bandang Sandwich, na kilala para sa mga kantang “Sugod,” “DVDX,” at “Betamax.”

Para sa mga interesado sa “MYX Musiclass: Music Production 101” webinar sa Zoom, mag-register na dito dahil first come, first served basis ang susundin sa mga makakasali.

Pagkatapos ng Songwriting 101 at Music Production 101, susundan ito ng final leg ng “MYX Musiclass” na Vocal Performance 101 sa mga susunod na linggo.

Mag-register na para mas matuto sa music production! Para sa iba pang detalye, sundan ang MYX Philippines sa Facebook (www.fb.com/MYX.Philippines), Twitter (@MYXphilippines), at Instagram (@myxph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Eugene Domingo at Tom Rodriguez, bibida sa bagong episode ng ‘Dear Uge’

Lovi Poe at boyfriend, sinulit ang muling pagkikita sa Amerika