in

Lovi Poe at boyfriend, sinulit ang muling pagkikita sa Amerika

Magkasama na ang Kapuso actress na si Lovi Poe at BF niyang si Montgomery Blencowe matapos na hindi magkita ng ilang buwan.

Bago matapos ang Setyembre ay nagkaroon ng chance ang ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ actress na lumipad patungong US upang bisitahin ang kanyang nobyo.

Sweet na sweet naman ang dalawa sa kanilang reunion photo na ibinahagi ni Lovi sa kanyang Instagram account. Pati si Monty ay nag-post din ng kanilang much-awaited reunion kung saan pinagtabi niya ang pre-pandemic at new normal date photos nila, “Last year vs. this year.”

Sa previous interview ni Lovi ay sinabi niya na isa sa susi ng kanilang healthy long-distance relationship ang communication, “Communication is key. Kahit nga hindi long-distance relationship, it’s important to communicate.”

Kasalukuyang napapanood si Lovi sa GMA drama anthology na ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ kasama sina Tom Rodriguez at Winwyn Marquez, tuwing 9:15pm hanggang Biyernes (October 16) sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Raymund Marasigan, magtuturo ng Music Production sa second leg ng ‘Myx Musiclass’

Gretchen Ho, Alex Calleja, Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal gumagamit na ng Sharea App