in

Gretchen Ho, Alex Calleja, Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal gumagamit na ng Sharea App

Dahil sa COVID-19, maraming Pilipino ang tumitingin sa social media para sa impormasyong makatutulong sa pagdiskarte nila sa buhay, mula sa mga bukas na tindahan, lagay ng trapiko, at iba pang kaalaman na kailangan sa araw-araw.

Kabilang sa kanila ang ilang mga artista na gumagamit na ngayon ng public service app na Sharea upang makipagpalitan ng impormasyon sa mga kasama nila sa komunidad.

Kasama rito sina ABS-CBN News personality Gretchen Ho, ang komedyanteng si Alex Calleja, at ang “Magandang Buhay” momshies na sina Melai Cantiveros-Francisco, Karla Estrada, at Jolina Magdangal-Escueta.

“Nagibibigay ito [Sharea] ng tamang impormasyon mula sa iba’t ibang barangay na kailangan natin ngayong pandemya. Mapa-impormasyon sa kalusugan, kaligtasan, transportasyon, trabaho, at iba pa, nandito sa Sharea,” ani Gretchen sa kanyang tweet.

Biro naman ni Alex na gusto niya ang Sharea dahil hindi raw ito ‘toxic’ at ‘walang kahirap-hirap’ gamitin.

“Nakapagat labi ako kasi hindi toxic kaya fantastic. Good vibes lang at very helpful. Download mo na ang app dahil walang kahirap-hirap. Who knows, baka nandito ang iyong hinahanap,” sabi ni Alex sa kanyang Facebook post.

Sa isang video, inanyayahan din ni Jolina ang lahat na makilahok at makipagtulungan sa kapwa gamit ang Sharea app.

Aniya, “layunin nito na itaguyod ang pagtutulungan ng bawat isa. Pwede ka rin maka-konek sa mga users malapit sa ‘yo para naman buhay na buhay ang bayanihan kahit pa may pandemya.”

Gawang Pinoy ang Sharea app na binibigyan ang users ng mapagkakatiwalaang impormasyon sa Bulletin Board na sinala na depende sa piniling lokasyon ng user. Isa itong katangian ng app na talagang mapakikinabangan dahil mungkahi pa rin ng gobyerno na manatili lamang ang lahat sa bahay kung maaari.

Pwede ring magbahagi ang users ng impormasyon na alam nila sa kanilang barangay sa Community Wall tulad ng job openings o raket, water o power interruptions, listahan ng bayad centers, mga bukas na tanggapan. Pwede ring makipag-usap sa ibang miyembro ng Sharea gamit ang Messaging feature nito.

Maliban kina Gretchen, Alex, Melai, Karla, at Jolina, hinikayat na rin nina Angel Locsin, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, Maymay Entrata, Robi Domingo, Jimuel Pacquiao, ABS-CBN entertainment reporter Ganiel Krishnan, at ang batikang mamamahayag na si Karen Davila ang kanilang followers na i-download at makiisa sa komunidad sa Sharea.

Libre at pwede ng i-download ang Beta version ng Sharea sa Google Playstore sa http://bit.ly/DownloadSharea82201013. Para sa ibang detalye, i-follow at i-like ang Sharea sa Facebook (fb.com/Sharea.ph).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe at boyfriend, sinulit ang muling pagkikita sa Amerika

Thea Tolentino at Jeric Gonzales, reunited sa fresh episode ng ‘#MPK’