in

Hannah Precillas, ramdam ang suporta ng Indonesian fans

Matapos siyang magwagi bilang 2nd Runner-up sa D’ Academy Asia 5, ramdam pa rin ng Kapuso OST Princess na si Hannah Precillas ang pagmamahal ng kanyang Indonesian fans kahit na narito na siya sa Pilipinas. 

“Sa lahat ng effort na ginawa ko habang nasa Indonesia ako at lahat ng hirap [na dinanas] ko, ay parang napawi rin kasi nakikita ko yung suporta nila. Kahit na nakauwi at nakabalik na ako ng Pilipinas nandiyan pa rin sila. Palagi nila akong kinukumusta sa social media and they’re very active sa pagko-comment at pagla-like ng mga post ko,” kuwento niya sa GMA Viber Community.
 
Suportado rin siya ng kanyang mga tagahanga sa bansa at sa Indonesia sa pag-promote ng kanyang latest single under GMA Music na “Sabi Ko Na Nga Ba.”

Malaking bagay ito kay Hannah lalo na’t hindi raw naging madali para sa kanya ang maging one-woman team dahil kinailangan niya itong gawin at i-promote mula sa sarili niyang bahay. “Siyempre mahirap po siya for me. Lalo na with the cameras at sa audio na ikaw gagawa lahat. Mahirap ‘yon kasi parang naninibago ako at nag-a-adjust pa lang ako sa kung anu-ano ‘yung mga dapat gawin kasi work-from-home nga tayo ngayon. Thankfully, kinaya naman at laban lang.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Glaiza de Castro, maraming natutunan sa paninirahan sa Baler  

Hallypop, maraming sorpresa para sa Pinoy viewers