in

‘Magpakailanman,’ bagong episodes ang hatid ngayong Oktubre

May handog na bagong episodes ngayong buong buwan ng Oktubre ang real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.  

Limang bagong episodes ang inihanda at nai-tape sa ilalim ng striktong health and safety protocols sa set.

Nitong nakaraang Sabado ay napanood sina Shaira Diaz, Yayo Aguila, Luis Hontiveros, at Anthony Rosaldo sa fresh episode na pinamagatang “Viral Frontliner: The Lorraine Pingol Story.” Kuwento ito ng isang nurse na nag-viral matapos tulungang manganak ang isang street dweller sa Makati.

Ngayong Sabado (October 10), bibida naman sina Bea Binene at Martin del Rosario sa episode na “The Lockdown Wife.” Kuwento ito ng isang battered wife na nagawa pang ikulong ng kanyang asawa sa loob ng kanilang bahay ng ilang buwan.

Abangan ang nakakaantig sa pusong istorya na ‘yan sa Magpakailanman ngayong Sabado, 8:15PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘I Can See You: The Promise,’ trending ang first episode!

Paolo Contis, palaging may baon na pagkain para sa co-stars