in

‘I Can See You: The Promise,’ trending ang first episode!

Usap-usapan at inabangan ang pilot episode ng drama anthology na ‘I Can See You: The Promise’ kung saan tampok sina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves, Maey Bautista, at Yasmien Kurdi.

Ang ‘The Promise’ ang ikalawang installment mula sa apat na mini-series ng weekly drama anthology ng GMA Network na I Can See You.

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang approval sa kakaibang kuwento at nakakadalang performance ng bidang Kapuso stars, “#ICSYThePromise has an interesting and mysterious start. Shots are nice.”

Dagdag pa ng isang netizen ay mala-K-Drama raw ang cinematography ng palabas, “Kudos @GMADrama! Kdrama vibe is reaaal! The story, the cinematography! Woaaahhh #ICSYThePromise”

Huwang nang magpahuli at tutukan ang nakakaintrigang kuwento ng ‘I Can See You: The Promise’, weeknights, 9:15PM, sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘It’s Showtime,’ iba pang ABS-CBN shows magbabalik na sa free TV, mapapanood A2Z Channel 11

‘Magpakailanman,’ bagong episodes ang hatid ngayong Oktubre