in

Kanta ni Hannah Precillas, may lyric video na!

Mas mae-enjoy ng fans ang pinakabagong single ng Kapuso OST Princess na si Hannah Precillas under GMA Music na pinamagatang ‘Sabi Ko Na Nga Ba’ dahil may official lyric video na ito.

Sa nakaraang interview ni Hannah, nasabi niyang nakaka-relate siya sa kanta, “Literally, this song is telling us that whenever we have something that shoud be told, take the opportunity to tell that person when you still have the chance.”

Dagdag pa ng singer, nasa huli ang pagsisisi kaya dapat nating pahalagahan ang mga tao sa paligid natin. Mapakikinggan na ang ‘Sabi Ko Na Nga Ba’ sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang digital streaming platforms worldwide!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Benjamin Alves, bata pa lang mahilig nang magbasa

Gabbi Garcia, versatile, blooming at in-love!