in

‘Rise’ music video nina Iñigo Pascual at Sam Concepcion, isang tribute para sa mga Bagong Bayani

Kinikilala ng bagong lunsad na “RISE” music video na pinangungunahan ng Tarsier Records artists na sina Inigo Pascual at Sam Concepcion ang mga bayani ngayong 2020 na nagsisikap maghatid ng tulong para sa pagbangon ng mundo laban sa iba’t ibang sakuna at problema.

Bukod kina Inigo at Sam, tampok sa animated video na mala-comic book ang American R&B singer na si Eric Bellinger, Manila-based producer Moophs, Malaysian artist Zee Avi, at ang “Black Swan” composer na si Vince Nantes, na may suot na superhero costumes habang nilalabanan ang iba’t ibang ‘2020 monsters.’

Inaaalay nila ang video sa mga bagong bayani tulad ng medical professionals, food industry laborers, couriers, media workers, advocates of gender equality, purveyors of press freedom, at iba pa.

May layunin ang music video na maghatid ng inspirasyon sa mga manonood na bumangon laban sa mga ‘villains’ tulad ng climate change, racial, gender, at social inequality, kawalan ng trabaho, kahirapan, at ang COVID-19 pandemic, na inilalarawan sa mala-buhay na animated scenes tampok ang iba’t ibang bansa.

Pinuri ng mga netizen ang “RISE” para sa inspiring at napapanahong mensahe nito.

“This is amazing. Love and hope around the world through music (Amazing ito! Pag-ibig at pag-asa sa buong mundo hatid ng musika),” sabi ni Sailor Salad Llaneta sa YouTube.

“The world needs to hear this song! Make sure to share this to friends and family (Kailangan ng mundo na marinig ang kantang ito! Make sure na i-share sa mga kaibigan at pamilya),” ayon naman kay Koko of all Trades.

“Essential song for what’s happening today and the next future battles (Mahalagang awitin para sa nangyayari ngayon at sa mga laban sa hinaharap). Rise and fight,” ani Victoria Doodle.

Ang universal track ang pinakamalaking proyekto ng Tarsier Records, isang collaboration na nagkaroon ng worldwide release dalawang linggo pa lang ang nakakaraan sa pagpapatuloy ng ABS-CBN na ipakilala ang talentong Pinoy sa buong mundo at magsilbing gateway din para sa international artists patungong Pilipinas.

Panoorin ang “RISE” music video sa YouTube at pakinggan ang kanta sa iba’t ibang digital music platforms. Para sa updates, i-like ang Tarsier Records sa Facebook (www.facebook.com/tarsierrecords), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@tarsierrecords).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong single ni JMKO, mapapakinggan sa kanyang Tiktok Mini-Concert

Rendisyon ni Erik Santos ng ‘Walang Hanggang Paalam,’ swak sa damdamin ng bagong Kapamilya serye