- Pinataman niya ang mga legislator na ukol sa pag-aapela upang icancel ang 2022 election.
- Hindi siya sumasangyon sa mungkahi na icancel ang 2022 election
Mukhang hindi na naman nakapagpigil sa pagkomento itong si Jason Abalos sa kanyang Twitter account nang pataman niya ang mga legislators na ukol sa pag-aapela upang icancel ang 2022 election.
Ayon sa kanya, bilang legislators, dapat nilang sundin ang nakasaad sa constitution at hindi sila dapat na lumabag dito.
At ang matinding suggestion pa niya, instead ang 2022 election ang dapat icancel, ang mga nakaupo sa puwesto sa kasalukuyan ang dapat na icancel.
Ang tinutukoy ni Jason ay ang pagmungkahi ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo sa Commission on Elections (COMELEC) na iconsider ang pagpostpone ng 2022 Presidential Elections sa kadahilanang takot ang mga voters sa pagkalat ng coronavirus.
Samantala, sabi ng Former Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal there was “no reason to postpone the elections.”
Noong 2016 Presidential Election , si Abalos ay isang suporter ng Pangulong Duterte dahil sa paniniwalang sa pagbabago magagawa nito sa bansa.
“Habang nakikinig ako kay mayor Duterte parang naiimagine ko na ang Pilipinas na ibang iba na bansa! #highhopes #ChangeIsComing,” post ni Abalos sa kanyang Tweet.
Ngunit, nadismaya si Abalos kay pangulo matapos magbiro ukol sa paggamit ng face mask sa gitna ng pandemia.
“Ngayon, kung wala kayo, I will try to buy as many as I can afford kung kaya ko, ibigay namin iyan sa inyo libre but wear it, and maski na gamitin mo siguro iyan ng dalawang beses okay man lang kung i-sprayan mo lang ng alcohol pagkatapos. Huwag iyong ini-i-spray mo at isuot mo kaagad. Iyong pagkatapos ng araw, hang it somewhere, i-sprayan mo lang ng lysol if you can afford it,” pahayag ni Duterte.
“Iyong wala, ibabad mo ng gasolina o diesel, p****** i** COVID na ‘yan. Hindi uubra ‘yan diyan. Totoo. Kung wala kayo — if you want to disinfect, maghanap ka ng gasolina. Ibabad mo lang iyong kamay mo. Layo mo lang kay baka — huwag sa loob ng bahay ninyo,” dagdagpa niya
Masakit ito para kay Jason dahil isang kaibigan niya doctor ang pumanaw dahil sa COVID-19.