in

Shaira Diaz, pinagsasabay ang trabaho at pag-aaral

Para sa Kapuso actress na si Shaira Diaz, walang oras na dapat sayangin. Kaya naman, ipinagsasabay niya ngayon ang trabaho sa showbiz at ang kaniyang pag-aaral.

Ibinahagi rin niya na naisisingit pa niya ang pag-attend ng online classes kahit nasa taping. Ipinakita niya ang multitasking skills niyang ito sa Instagram story kahapon, “Online classes while on the set! Fighting!”

Kasalukuyang kumukuha si Shaira ng kursong BS in Marketing Management sa University of Perpetual Help sa Las Piñas City. Nais talaga niyang ma-maximize ang kaniyang time ngayong quarantine at naging abala rin siya noong mga nakaraang buwan sa home improvements at pagdiskubre ng mga bagong hobbies.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapuso comedians, maghaharap-harap sa Quiz Beh!  

‘Cancel nyo nga yang nakaupo na yan sarap na sarap sa pwesto.’ Jason Abalos may banat sa gustong hindi matuloy ang 2022 Presidential Elections