in

DongYan, sinulit ang short and sweet vacation 

Nilanggam ang social media sa recent posts ng Kapuso Primetime King at Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kung saan ipinasilip nila ang naging quick getaway sa isang wellness facility sa Laguna.

Matapos ang naging lockdown taping ni Dingdong para sa ‘Descendants of the Sun’ PH, finally ay nagkaroon na sila ng alone time ng kaniyang asawa. Marami ang kinilig sa caption ng aktor sa kanilang selfie ni Marian sa Instagram na, “Malinis na hangin, mga puno, sariwang gulay, mainit-init na tubig…at ikaw. Huwow! A much needed relaxation with some medical treatments in this well-loved place.”

Talaga namang sunud-sunod ang blessings para sa pamilya Dantes at kamakailan lang ay tinanggap ni Dingdong ang Asian Star Prize mula sa 15th Seoul International Drama Awards. Masaya kami para sa inyo, Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘All-Out Sundays,’ balik-studio na ngayong Linggo

Riel Lomadilla ng XOXO, gustong maghatid ng inspirasyon