in

‘All-Out Sundays,’ balik-studio na ngayong Linggo

Good news para sa avid viewers ng GMA musical variety show na All-Out Sundays dahil ngayong Linggo (Setyembre 26) ay balik-studio na ang paboritong Sunday show. 

Ito ang big announcement na ni-reveal ng ilang members ng cast kahapon na sina Paolo Contis, Ken Chan, Rita Daniela, at Glaiza de Castro.

Tiniyak naman nila na mahigpit nilang susundin ang safety protocols at guidelines sa kanilang pagbabalik-taping sa studio ng GMA.

Siguradong paghahandaan ng todo ng All-Out Sundays barkada ang magiging episode ngayong Linggo kaya naman abangan yan sa GMA! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Camille Prats, kumasa na sa TikTok

DongYan, sinulit ang short and sweet vacation