in

BTS at Beyoncé, mapapanood sa Hallypop ngayong Linggo

Simula ngayong Linggo (September 20), humanda sa kakaiba at mas pinagandang viewing experience hatid ng Hallypop.  


 
Sa tulong ng GMA Network, nandito na sa Pilipinas ang sikat na Asian pop culture channel kung saan maaaring mapanood 24/7 ang international concerts, trending music videos, at patok na shows tulad ng Running Man, Music Bank, JYP’s Party People, at marami pang iba!
 
Sa katunayan, mapapanood ngayong Linggo sa sikat na South Korean variety show na Running Man ang guestings ng Korean group na BTS at ng heartthrob na si Park Bo-gum.
 
Kaabang-abang din ang makapigil-hiningang concerts ng Grammy-award winning performers na U2 at si Beyoncé na mapapanood sa programang Hallystage. 
 
Marami pang dapat abangan sa Hallypop kaya huwag nang magpahuli at i-rescan na ang GMA Affordabox o iba pang digital TV receivers para mapanood ito.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes, aminadong nahirapan sa lock-in taping para sa ‘DOTSPh’

Unang single ni Sab, tampok sa K-Drama na ‘Flower of Evil’