in

Dingdong Dantes, aminadong nahirapan sa lock-in taping para sa ‘DOTSPh’

Hindi itinanggi ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na nahirapan siya sa naging lock-in taping ng Descendants of the Sun PH.

Sa panayam ng 24 Oras, aminado ang Kapuso actor na challenging ang dalawang linggo pagte-taping niya kasama ang cast at production team sa Rizal. Aniya, “Hindi siya madali. Parang kulang na nga lang, bitbitin ko ‘yung buong bahay, ‘yung buong kusina. Siyempre ang habol mo diyan kahit papaano ay ‘yung comfort mo.”

Isa pa sa naging problema niya ay ang paghahanap ng malakas na signal connection para makamusta at makausap ang kanyang pamilya. “Medyo challenging ‘yung signal sa gubat. May areas lang talaga kung saan mayroon.”

Samantala, isang malaking karangalan para kay Dingdong ang napanalunang Asian Star Prize mula sa Seoul International Drama Awards para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Captain Lucas Manalo sa serye. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Boobay at Tekla, nagtalo sa taping ng ‘TBATS?’

BTS at Beyoncé, mapapanood sa Hallypop ngayong Linggo