in

‘Wowowin,’ namimigay ng sangkatutak na papremyo sa Spin A Wil!

May nakakatuwang paandar ang Kapuso show na ‘Wowowin’ na naghahatid ng naglalakihang papremyo! 

Ipinasilip ng host na si Willie Revillame ang bagong segment na ‘Spin A Wil’ kung saan ang mapalad na matatawagan ay mananalo agad ng PhP 10,000. Kapag tama ang sagot sa tanong ni Willie, magkakaroon ang masuwerteng natawagan ng pagkakataong paikutin ang roleta. 
 
Maraming naghihintay na prizes tulad ng PhP 10,000, PhP 20,000, PhP 30,000, PhP 50,000, PhP 100,000, Wil Kart, Kitchen Showcase, Living Room Showcase, o Electronics Showcase. 
 
Maaari nang malaro ang ‘Spin A Wil’ kaya naman tumutok lang sa Wowowin, mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts: www.facebook.com/GMAWowowin sa Facebook, www.youtube.com/Wowowin sa YouTube, at twitter.com/gmanetwork sa Twitter.  

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Asian at American artists, pinagsama-sama ng Tarsier Records ng ABS-CBN sa bagong kantang ‘Rise’

Cast ng ‘I Can See You: High Rise Lovers’, todo-ingat sa taping!