in

Cast ng ‘I Can See You: High Rise Lovers’, todo-ingat sa taping!  

Maingat at mahigpit na sinusunod ng cast and crew ng bagong GMA series na ‘I Can See You: High Rise Lovers’ ang safety protocols sa taping nila na naganap noong Linggo.

Kasama na rito ang Kapuso stars na sina Lovi Poe, Winwyn Marquez, at Tom Rodriguez.
 
Kinailangang dumaan sa swab testing ng lahat ng bumubuo ng serye bago sumabak sa taping. Kapansin-pansin din sa behind-the-scene photos ang maingat na pagsunod sa social distancing, pagsusuot ng protective gear, maging pag-disinfect at pag-sanitize ng kapaligiran.
 
Ang ‘High Rise Lovers’ ay kuwento ng mag-asawang dadaan sa pagsubok dahil sa kaibahan ng kanilang mga pangarap sa buhay. Makakasama nina Lovi, Winwyn, at Tom dito sina Teresa Loyzaga at Tetay Ocampo. 
 
Mapapanood na ang ‘I Can See You’ simula September 28 sa GMA Telebabad block.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Wowowin,’ namimigay ng sangkatutak na papremyo sa Spin A Wil!

Sunshine Dizon, nakatanggap ng bulaklak mula sa kanyang Ecuadorian fans