in

Asian at American artists, pinagsama-sama ng Tarsier Records ng ABS-CBN sa bagong kantang ‘Rise’

May hatid na lakas sa pagbangon at pagharap sa bagong mundo ang Grammy Award-winning R&B artist na si Eric Bellinger, Filipino pop stars na sina Inigo Pascual at Sam Concepcion, Manila-based producer na si Moophs, Malaysian singer-songwriter na si Zee Avi, at “Black Swan” composer na si Vince Nantes sa kanilang bigating song collaboration na pimagatang “RISE.”

Nakatakda ang worldwide release ng awiting handog ng Tarsier Records ng ABS-CBN ngayong Biyernes (Setyembre 18).

“Life is really the main story that inspired writing ‘RISE’ (Ang buhay mismo ang pangunahing kwento na nag-inspire sa akin sa pagsulat ng ‘RISE),” kwento ni Vince na sumulat ng bagong awitin.

“From the pandemic to protests, to political differences, to unfair treatment to one another as human beings, it’s a lot for all of us to digest, and I wanted to give people something they can enjoy, emotionally connect to, and believe in (Mula sa pandemic hanggang sa protests, political differences, unfair treatment bilang tao, maraming pangyayari na mahirap intindihin at gusto kong bigyan ang lahat ng kantang ma-eenjoy nila at paniniwalaan),” sabi ng US-based songwriter.

Ayon naman kay Moophs, ang “RISE” ang pinakamalaking release ng Tarsier Records na may layuning maghatid ng multi-cultural example ng pagkakaisa laban sa kahirapan.

“This song is my answer to 2020. If we look past borders, politics, and skin color and resolve not to be divided, we can overcome anything this year throws at us (Itong kanta ang sagot ko sa 2020. Kung titingin tayo lampas sa borders, politika, at skin color, at pipiliing magkaisa, kakayanin nating malampasan ang anumang pagsubok ngayong taon),” sabi ni Moophs.

Inilarawan naman ng “Bitter Heart” singer na si Zee Avi ang awitin bilang puno ng pag-asa. Aniya, “’RISE’ is such a simple word, yet it’s something that we need to keep reminding ourselves of (Simple lamang ang salitang ‘RISE’ pero ito ay dapat nating laging ipaalala sa mga sarili natin).”

Samantala, ibinahagi naman ni Sam ang kanyang excitement sa pagkakataong magkakasama-sama ang artists galing sa Asia Pacific. Aniya, “Dream come true para sa akin ang proyektong ganito kalaki at kahalaga. Naniniwala ako na dahil sa mga mang-aawit na bahagi ng kanta at unifying message nito, maaari itong mapakinggan sa buong mundo.”

Dalawang music videos ang magtatampok sa “RISE,” isang animated video na ipapakita ang pinagsama-samang singers bilang superheroes na lalabanan ang ‘2020 monster’ at isang kwento ng sangkatauhan at mensahe ng pag-asa mula sa influencers na galing sa iba’t ibang panig ng mundo.

Bahagi ang Tarsier Records ng ABS-CBN Music na naglalayong ipakilala ang talentong Pinoy sa buong mundo at nagsisilbi ring gateway para sa international artists patungo sa Pilipinas.

Maaari nang i-pre-save ang “RISE” sa https://orcd.co/RISE-single at abangan ito sa iba’t ibang digital platforms simula ngayong Biyernes (Setyembre 18). Para sa updates, i-like ang Tarsier Records sa Facebook (www.facebook.com/tarsierrecords), at sundan ito sa Twitter at Instagram (@tarsierrecords).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Matt Lozano, prayoridad ang pag-disinfect ng bahay matapos gumaling sa COVID-19

‘Wowowin,’ namimigay ng sangkatutak na papremyo sa Spin A Wil!