in

Sanya Lopez, pinili ang dream house kesa love life

Inamin ni Kapuso actress Sanya Lopez na isinakripisyo niya ang kanyang ‘love life’ upang maipatayo ang kanyang dream house. 

Sinariwa ng ‘Encantadia’ star ang pinagdaanan niya bago siya nakabili ng sariling bahay sa Quezon City. “Dati kasi, para akong nakatira sa isang maliit na apartment, sa Valenzuela ‘yon, isang room lang tapos paglabas mo, nandoon na lahat, napakaliit, halos hindi kasya ‘yung mga gamit,” kuwento ni Sanya sa 24 Oras.
 
“Biggest sacrifice siguro hindi ko [naging priority] ‘yung love life. Pero feeling ko malaking factor talaga ‘yung love life pagdating sa pag-iipon for me, kasi siguro kung siningit ko ‘yun, hindi ako masyadong focus,” dagdag pa niya.
 
Sa darating na Biyernes (September 11) ay mapapanood si Sanya kasama si Thea Tolentino sa Mars Pa More hosted by Camille Prats at Iya Villania. Tutukan ‘yan ngayong Biyernes na, 8:45AM, sa GMA-7! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carmina Villarroel, sinamahan ang kanyang kambal na magpagupit

Willie Revillame, may maagang pamasko sa ‘Wowowin’