in

Carmina Villarroel, sinamahan ang kanyang kambal na magpagupit

Very supportive at hands-on mommy si Carmina Villarroel pagdating sa kanyang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi.

Sa recent YouTube vlog ni Carmina, idinetalye ng ‘Sarap, ‘Di Ba?’ host ang kanilang maingat na pagpunta ng salon para sa pagpapagupit ng kambal. Hindi pa raw nakakapagpaayos ng buhok ang dalawa mula nang ipatupad ang quarantine at kailangan na talagang magpagupit, “The reason why we’re here is because back to work na kasi kami. Kailangan na talaga magpagupit ni Maverick. Nahihirapan na siyang ayusin ‘yung buhok niya. We’re taping Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition and All-Out Sundays kaya kailangang-kailangan na talaga. Of course, we have to look presentable sa camera.”
 
Muli namang pinaalala ni Carmina na mahalaga ang ibayong pag-iingat kung kinakailangang bumisita sa salon gaya na lang ng pagbu-book ng appointment at pagsusuot ng protective gear.

Ngayong Sabado (September 12), tutukan ang sikat na Kapuso siblings na makikisaya kasama ang pamilya Legaspi sa fresh episode ng ‘Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition’, 10:00AM, sa GMA-7!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

MYX, hatid ang Digital Concert ni Ebe Dancel

Sanya Lopez, pinili ang dream house kesa love life