in

Bianca Umali at Kyline Alcantara, kambal-tuko sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’

Isa na namang magical na Sunday night ang hatid ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” sa back-to-back episodes nitong ‘Dobol Tripol Trobol’ at ‘The Story of Sleeping Rosa and Kim Itim’.

Sa ‘Dobol, Tripol Trobol’, ibabahagi ni Lola Goreng (Gloria Romero) ang kuwento nina Bianca Umali at Kyline Alcantara bilang ang kambal-tukong sina Ella at Emma. Lumaki ang magkapatid na kinukutya ng iba dahil sa kakaiba nilang kondisyon. Kahit na palaging magkadikit, madalas na hindi nagkakasundo ang dalawa.

Samantala, mapapanood naman ang pagpapatuloy ng ‘The Story of Sleeping Rosa and Kim Itim’ tampok sina Reese Tuazon at Tekla.

Huwag palalampasin ang ‘Dobol Tripol Trobol’ at ang ‘The Story of Sleeping Rosa and Kim Itim’ sa “Daig Kayo Ng Lola Ko” ngayong Linggo, September 13, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga Kapamilya serye at pelikula, UAAP Season 81 at 82 Games, libreng mapapanood linggo-linggo sa YouTube Super Stream

Miguel Tanfelix, lagpas 3 milyon na ang fans sa TikTok!