in

Kyline Alcantara, ready na sa more challenging roles

Ngayong 18 years old na ang Kapuso Breakout Star na si Kyline Alcantara, inamin niyang handa na siyang tumanggap ng “mature” at “challenging” roles.

Aniya, “I will accept more ‘mature’ or like ‘challenging roles’ because people will expect more from me. So that’s a challenge for me and I like challenges.”
 
“Feeling ko naman as an artista we need to evolve, we need to level up. So, yeah. I think I’m ready to mature but not in a very sexual way,” dagdag pa niya.
 
Hiling din ni Kyline para sa kanyang kaarawan ay mas dumami pa ang kanyang “Sunflowers,” ang tawag sa kanyang fans.

“Gusto ko mas dumami ‘yung Sunflowers ko. And mas magkaroon ng maraming blessings sa career, of course. With my family, maging safe po, mas humaba pa po ‘yung buhay nating lahat, mawala na po ang COVID para makapagtrabaho na po,” lahad ng Kapuso star.

Habang hindi pa nagbabalik-telebisyon ang Bilangin ang Bituin sa Langit, napapanood si Kyline sa All-Out Sundays tuwing Linggo at sa rerun ng Kambal, Karibal sa GMA Telebabad. 
  

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Dingdong Dantes, aminadong challenging ang new normal taping para sa ‘DOTSPh’

Ang suwerte ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, tuloy pa rin ang taping sa kabila ng shutdown