in

Ang suwerte ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, tuloy pa rin ang taping sa kabila ng shutdown

Kamakailan lang ay may ipinost ang batikang showbiz writer na si Lolit Solis sa kanyang Instagram. Ito ay tungkol sa teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ng ABS-CBN na tuloy-tuloy pa rin ang taping kahit na nagshutdown na ang kanilang network sa ere.

Aniya ni Solis, “Ang suwerte naman ng Probinsiyano Salve “.

Ang dami nang shows sa TV at radyo ng ABS-CBN ang nacancel dahil sa shutdown at libu-libo ring empleyado ang nawalan ng trabaho, ngunit tuloy pa rin ang production ng teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa kanyang post, nabanggit ni Lolit ang kanyang kaibigang si Lorna Tolentino na kabilang sa cast ng teleserye. Sa kabila ng pagkatanggal ng ibang artista at walang trabaho, siya ay masuwerte pa rin dahil busy ang kanyang schedule para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

“Sabi ko nga kay Lorna Tolentino ang sarap naman na ganuon parin ang busy sked ng Probinsiyano samantalang iyon ibang artista walang trabaho.”

Para kay Lolit, malakas ang hatak ng bida na si Coco Martin dahil patuloy pa rin ang taping ng kanilang teleserye.

“Bongga sila ha, patunay na talagang malakas hatak ng Coco Martin.

Sa huli, ay ki-congratulate pa rin niya at sinabing hanggang September ay may schedule pa rin sila.

Written by Rhelyn Harder

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kyline Alcantara, ready na sa more challenging roles

Carla Abellana, nagpalinis ng bahay